Kinilala ni Police Superintendent Apolinar Felipe, hepe ng RTMO-4a, ang mga suspek na sina Rodolfo De Belen, 59, ng San Raphael, Bulacan; Rolando Omboy, 47, ng Argao, Cebu; Alex De Campo, 21; Reinel De Vera, 31; Ruel Corcolon, 21, ng San Pablo City; Fernando Farado, 27, ng Tiwi, Bicol; Roberto Borres, 31, ng Roxas City; Bernardo Nabor, 35, ng Samar; Monico Sevilla, 32, ng Orani, Bataan at Alden Mahupil ang may-ari ng nasabing compound.
Ayon sa ulat, bandang alas-10:25 ng gabi nang maaktuhan ng mga kagawad ng pulisya na nagbabawas ng kargang kemikal na ginagamit sa paggawa ng sabon ang mga suspek sa Pili Street, Ceres ll Subdivision, Barangay Canlubang, Calamba City sa pamumuno ni Police Senior Inspector Peter Dionisio.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang container truck na may plakang CMV-188 at TWL-984 na pag-aari ng Stepan Philippines na kargado ng Linear Alkylbenzene Sulforic Acid para sa Procter and Gamble Philippines.
Narekober din ang isang truck na pag-aari ng MJS Trucking na may plakang XEP-169 at kargado rin ng 32 containers ng nasabing kemikal.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa opisina ng RTMO para sa kaukulang pagsasampa ng kaso. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)