Ambush: Ex-DPWH employee todas
May 6, 2005 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Tinambangan at napatay ang isang 64-anyos na dating empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papasok ng sariling bahay sa Barangay San Jose ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Sapol sa batok ng bala ng baril ang biktimang si Ferdinand Paraiso na dating nagsilbi bilang presidente ng Homeowners Association ng Amityville Subdivision sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ng pulisya, bumaba ng owner-type jeep ang biktima upang buksan ang gate ng bahay nang biglang lapitan ng killer at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest