^

Probinsiya

Dyip hulog sa bangin; 4 patay

-
MATAAS NA KAHOY, Batangas – Apat-katao ang namatay, samantalang 18 pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nitong arkiladong dyip sa Barangay Lumanglipa sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Superintendent Romulo Endaya, Mataas na Kahoy police chief ang mga namatay na sina Renato Gonzales, driver ng jeep; Anacleta Jarro; Linda Acar, 54 at isang nakilala lamang na Aida na pawang mga taga-Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat, papunta sana ang mga biktima sa isang babang luksa ng mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang dyip pagdating sa nasabing barangay at nahulog sa bangin na may 10 metro ang lalim.

Bumagsak sa dalawang kabahayan ang naturang jeep na ikinamatay kaagad ng mga biktima. Wala namang taong nadamay sa binagsakang bahay.

Isinugod naman sa Mary Mediatrix Hospital, Lipa Mediz Hospital sa Lipa at Faller Hospital sa Mataas na Kahoy ang mga nasugatan.

Kabilang sa nasugatan ay kinilalang sina Regie Carlos, 16; Joycee Acar, 9; Haidee Gonzales, 9; Kevin Jarro, 11; Jayson Acar, 9; Marvin Jay Espina, 5; JM Acar, 3; Dante Ilagan, 16; Jasmin Acar, Renaba Amaste; Jay-R Mundo, 17; Jecjec Dungo; Roderick Perez, Ben Acar, Reanen Villasar, Irene Buenaobra, 11; Gerardo Dungo, 40 at Kevin Juan Ferrer, 14. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ANACLETA JARRO

ARNELL OZAETA

BARANGAY LUMANGLIPA

BEN ACAR

DANTE ILAGAN

FALLER HOSPITAL

GERARDO DUNGO

HAIDEE GONZALES

IRENE BUENAOBRA

JASMIN ACAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with