2 magsasaka nagbarilan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Dalawang magsasaka na pinaniniwalaang may alitan ang nagbarilan makaraang magkasalubong sa kalsadang sakop ng Barangay Salvacion sa bayan ng Camarines Sur kamakalawa. Kapwa nakaratay sa ospital sina Joel Javier, 25 at Celso Guadayo, 53.

Base sa ulat ng pulisya, naglalakad papauwi si Javier nang paputukan ni Guadayo at tinamaan sa kamay, subalit nakabunot naman ng baril si Javier kaya gumanti ng putok at tinamaan sa likurang bahagi ng katawan ang kaaway. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments