Basag ang bungo nang matagpuan ng mga nagrespondeng kagawad ng pulisya ang biktima na kinilalang si Mario Tagumata ng Bever Security Agency.
Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng isang empleyado ng Petron gasoline station matapos maganap ang krimen na siyang nag-report sa pulisya ng insidente.
Sa ulat, nabatid na nagawang matangay ng di pa nakilalang grupo ng mga holdaper ang P609,000 na nakalagay sa vault ng Petron gasoline na matatagpuan sa Brgy. Banay-Banay, Cabuyao ng lalawigan ito.
Pinaniniwalaang ang panghoholdap ay naganap sa pagitan ng ala-una hanggang pasado alas-4 ng madaling-araw.
Nabatid na nawawala rin ang service revolver ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga holdaper.
Sa kasalukuyan ay masusi pang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso kabilang na ang anggulo ng inside job. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)