8-katao tiklo sa drug bust

CAMP CRAME – Walong sibilyan na pinaniniwalaang adik sa droga ang nasakote ng pulisya makaraang maaktuhang sumisinghot ng shabu sa bahagi ng Barangay Mabini, Santiago City, Isabela, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa kinasuhang suspek ay nakilalang sina Melita Ong Jandoc na nakumpiskahan ng 4.4 gramo ng shabu; Jeffrey Somera; Alejandro Jandoc; Eric Garcia; Jess Nepomuceno; Manuel Baculi; Jonathan Baculi at Arnel Jandoc na nakumpiskahan ng 284.1 gramo ng shabu. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments