Kinidnap na 8 buwang sanggol, nasagip
April 29, 2005 | 12:00am
BALANGA CITY, BATAAN Nailigtas ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 8 buwang sanggol na lalaki na itinago sa loob ng halos dalawang linggo sa bulubunduking bahagi ng Cabog-Cabog ng lungsod na ito kamakalawa.
Kasabay nito ay nasakote naman ang dalawang kidnapper na kinilala ni Chief Inspector Percival Rumbaoa, Chief ng Police CIDG sa Bataan na sina Florida Manila, 45, may-ari ng Hot Stuff Videoke Bar na matatagpuan sa Burgos St., Brgy. Poblacion ng lungsod at kapatid nitong si Adriano Layug, 40, Pangulo ng Cabog-Cabog Tricycle Operators and Drivers Association sa Brgy. Cabog-Cabog.
Ang dalawa ay inireklamo ni Kristine Grace Trinidad, 18 anyos, Guest Relation Officer sa pagdukot sa kaniyang anak na pinaalagaan nito sa may-ari ng bar matapos siyang umuwi para magbakasyon sa kanilang tahanan sa Zapote, Las Piñas City.
Itinext umano si Trinidad ng kaniyang floor manager na si Imelda de Leon na puwersahang kinuha ng mga suspect ang kaniyang anak at hindi umano ibabalik hanggang di niya nababayaran ang P 7,000 na utang niya kay Manila.
Dahil dito ay agad na humingi ng tulong si Trinidad sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at ligtas na pagkakabawi sa kaniyang baby. (Ulat ni Raffy Viray)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest