Sa report ni Col. Eduardo Ano, commanding officer ng 76th BI ang mga napatay ng rebelde ay dala ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas at posibleng may mga sugatan pa, base sa impormasyon na ipinarating sa kanila ng mga residente ng nasabing barangay.
Sa kanyang ulat kay Lt. Gen. Pedro Cabuay Jr., Southern Luzon Command (SOLCOM) chief, ang engkuwentro ay naganap bandang alas-12:30 ng tanghali kamakalawa habang ang 8-man team ng sundalo na pinamumunuan ni SSG Danilo Danoso ay nagsasagawa ng test mission training sa nasabing lugar.
Nakasagupa nila ang miyembro ng platoon guerilla (GFC) 42, Komiteng Probinsya "PDI" ng Apolonio Mendoza Command sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Pary (STRPC).
Hanggang kahapon ay patuloy ang hot pursuit operation ng reinforcement team ng Division Reaction Company sa pamumuno nina 2Lt. Enano at Lieutenant Braza na iniutos ni Cabuay.
Sinabi ni Maj. Jose Broso, group commander ng 2nd Civil Relations Group na gustong pagtakpan ng NPA ang kahinaan ng kilusan na dinadanas katulad ng nagaganap na leadership crisis sa pamunuan ng kilusan sa pamamagitan ng black propaganda laban sa tropa ng pamahalaan. (Ulat ninaTony Sandoval at Arnell Ozaeta)