^

Probinsiya

2 CIDG men huli sa kidnapping

-
Calaca, Batangas – Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang tiwaling kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kasabwat nitong umano’y ‘civilian asset’ na nakabase sa Batangas Provincial Police Office matapos na ireklamo ng kidnapping ng dalawang biktima kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Ferdinand Castro, hepe ng Calaca Police ang mga suspek na sina SPO3 Valeriano Parra, 48-anyos ng Brgy. Banjo West, Tanauan City at Gerardo Caisip, 48, ng Brgy. Talisay, Calatagan, Batangas.

Ang dalawang suspek ay kapwa itinurong dumukot kina Felipe Gatdula, 48-anyos, negosyante at pamangking si Julio Cataquiz, 21, binata; pawang ng Brgy. Talisay, Calatagan ng lalawigang ito.

Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes ng dukutin ang mga biktima sa Brgy. Poblacion 4 habang kagagaling lamang ng mga ito sa kanilang pabrika ng damit at sapilitang isinakay sa isang kulay asul na Mitsubishi Adventure na may improvised na plakang 5T07189 at dinala sa di natukoy na lugar.

Humingi ang mga kidnappers ng P200,000.00 ransom na naibaba sa P120.000.00 kung saan ay nahuli ang mga ito sa itinakdang pay-off sa harapan ng simbahan ng Alitagtag bago maghatinggabi kamakalawa habang ligtas namang narekober ang biktimang sina Gatdula sa Brgy. Balagtas at pamangkin nitong si Julio sa Brgy. Balete sa lungsod ng Batangas. Patuloy ang hot pursuit operations sa iba pang mga nakatakas na kidnappers. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BANJO WEST

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRGY

CALACA POLICE

CALATAGAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FELIPE GATDULA

FERDINAND CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with