Anak pinalakol ng ama, patay
BULACAN Hindi na nagising sa pagkakatulog ang isang 35-anyos na lalaki makaraang palakulin hanggang sa mapaslang ng sariling ama na pinaniniwalaang nasiraan ng bait kamakalawa ng gabi sa Barangay Kaypian sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ang biktimang nabiyak ang bungo ay nakilalang si Rodito Zarandona Jr., samantalang ang suspect na kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya at nakatakdang dalhin sa ospital ng mga may kapansanan sa pag-iisip ay nakilalang si Rodito Zarandona Sr. (Ulat ni Efren Alcantara)