Konsehal itinumba ng NPA

LEGAZPI CITY – Isang 33-anyos na konsehal ng barangay na pinaniniwalaang dating rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na pinaslang ng kanyang mga kasamahang rebelde habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Sitio Balite sa Barangay Imelda, bayan ng Claveria, Masbate kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yancy "Boyet" Puso. Ang biktima ay tumiwalag sa makakaliwang kilusan noong 2001 at hindi nito naibalik pa ang malakas na kalibre ng baril na pag-aari ng kilusan kaya pinaniniwalaang ginantihan ng mga dating kasamahan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments