Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng hapon ay nagtungo sa tinutuluyang kampo sa Pagbilao Elementary School ang mga nasabing atleta matapos na lumahok sa ibat ibang palaro ng STCAA.
Napag-alamang ang nilutong sinigang na baboy at adobong manok na kinain ng mga biktima ay naging sanhi upang makaramdam ang mga atleta ng pananakit ng tiyan at magkakasunod na nagtungo sa palikuran.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigayon ng mga opisyal ng municipal health office ng Pagbilao, Quezon sa naganap na insidente upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng pananakit ng tiyan ng mga atleta. (Ulat ni Tony Sandoval)