^

Probinsiya

P5-M ransom sa kinidnap na trader

-
ZAMBOANGA CITY – Aabot sa P5 milyong ransom ang hinihingi ng grupong Abu Sayyaf na dumukot sa isang negosyanteng may-ari ng restaurant sa Jolo noong Abril 10, 2005.

Ang biktimang si Renato Yanga, 44, ay nanatiling bihag ng Sayyaf na pinamumunuan ni Isah Ibri na nagkukuta ngayon sa kagubatan ng Patikul, Sulu.

Hindi naman kinumpirma ang kahilingan ng grupong bandido, ayon kay PNP Director Vidal Querol ng Western Area PNP Command sa Mindanao.

Gayunman, siniguro ni Querol na maililigtas ang biktima dahil nagpapatuloy ang tropa ng militar at pulisya na suyurin ang kagubatan ng Patikul.

Sa kasalukuyan ay walang ulat na namataan ang biktima at mga kidnaper sa sinusuyod na nabanggit na lugar.

Ayon sa record ng pulisya, ang biktima ay kinidnap habang nagbubukas ng kanyang restaurant sa downtown ng Jolo noong Abril 10, 2005. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

AABOT

ABRIL

ABU SAYYAF

DIRECTOR VIDAL QUEROL

ISAH IBRI

JOLO

PATIKUL

RENATO YANGA

ROEL PARE

WESTERN AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with