6 miyembro sindikato ng baril tiklo

CAMP CRAME — Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na kasapi ng sindikato ng gunrunning ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya makaraang masamsaman ng iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril at bala sa checkpoint na sakop ng San Isidro sa Abra kamakalawa.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Julian Barbero, 39; Arcadio Pacsa, 37; Christopher Babida, 23; Warlito Carsola, 40; Amor Benabese, 40; at Jericho Dador, 25, na pawang naninirahan sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Isidro, Abra.

Ang mga suspek ay nasabat sa inilatag na checkpoint sa provincial road ng kapitolyo upang masugpo ang nagkalat na baril na hawak ng mga private armies sa nasabing lalawigan.

Sakay ng pampasaherong dyip na may plakang ADB-417 ang mga suspek nang parahin ng mga nagbabantay na pulis sa checkpoint at nasamsaman ng mga malalakas na kalibre ng baril at samu’t saring bala. (Ulat nina Joy Cantos at Myds Supnad)

Show comments