^

Probinsiya

2 suspek sa ambus kinilala

-
CAMP CRAME – Natukoy na ng pulisya ang dalawang lalaki na responsable sa pagbaril na ikinasugat ng malubha ng isang 46-anyos na radio commentator sa Purok 5, Barangay Osias, Kabacan, North Cotabato noong Miyerkules ng gabi.

Base sa ulat ni P/Insp. Abello Jungaya, police chief ng PNP Kabacan, kinilala ng biktimang si Alberto Martinez, ang dalawang suspek na sina Jongjong Obregan at Oneng Quinones na kapwa kapitbahay ng pamilya Martinez sa nabanggit na barangay.

Pormal namang sinampahan ng frustrated murder ang dalawa na kasalukuyang nakalalaya at tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na bayan sa North Cotabato.

Napag-alaman sa ulat, na bagaman ginagamot sa Davao Medical Center sa Davao City ang biktima ay nagawa nitong ipahayag sa pulisya ang pagkikilanlan sa mga suspek.

Bago tambangan ang biktima ay nakatanggap na ito ng ilang pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa patuloy na pamumuna sa laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa nabanggit na lugar.

Si Martinez na kilalang commentator ng dzRH’s Radyo Natin ng Manila Broadcasting Company (MBC) ay binaril sa likurang bahagi ng katawan habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng lansangang sakop ng Kabacan, North Cotabato. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABELLO JUNGAYA

ALBERTO MARTINEZ

BARANGAY OSIAS

DAVAO CITY

DAVAO MEDICAL CENTER

JONGJONG OBREGAN

JOY CANTOS

KABACAN

MANILA BROADCASTING COMPANY

NORTH COTABATO

ONENG QUINONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with