Tsinoy trader kinidnap
April 9, 2005 | 12:00am
COTABATO CITY Muli na namang umarangkada ang notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin nito ang isang Tsinoy trader sa kahabaan ng Norte Dame Avenue na sakop ng Cotabato City kahapon ng umaga.
Si Benny Cota na kalalabas pa lamang ng garahe lulan ng Tamaraw FX (LCT-288) ng kanilang bahay para magtungo sa pag-aaring tindahang Cota Solid Marketing nang harangin ng nasabing grupo sakay ng Toyota Revo na walang plaka.
Agad na tinutukan ng baril ang biktima habang ang ilan sa mga kidnaper ay sumampa ng sasakyan nito saka mabilis na lumayo sa hindi nabatid na direksyon.
Narekober naman ang sasakyan ng biktima sa di kalayuan sa nasabing lugar matapos na abandonahin ng mga kidnaper.
Noong nakalipas na buwan ay kinidnap naman ang cashier ng fast food na si Pilar Yu Gomez, subalit nakatakas matapos na lumundag mula sa sasakyan ng mga kidnaper sa bahagi ng Cotabato-Davao Highway.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima para maresolba ang insidente. (Ulat nina John Unson at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended