3 maninikwat ng kalabaw tinodas
April 8, 2005 | 12:00am
QUEZON, Isabela Tatlong kalalakihan na naaktuhang nagnanakaw ng kalabaw ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya sa Barangay Callangiuan sa bayang nabanggit kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa napatay na suspek ay nakilalang sina Falge Balangue; Dalog Dangane at isang nagngangalang Mundo na pawang residente ng Balbalan, Kalinga.
Ayon kay P/Inps. Vicente Blancad, hepe ng PNP Quezon, dakong ala-1:30 ng hapon kamakalawa nang makatanggap ang kanyang opisina ng tawag mula sa mga opisyal ng barangay tungkol sa tatlong armadong kalalakihan na estranghero ang mga pagmumukha at may hila-hilang dalawang kalabaw.
Agad naman rumesponde ang mga tauhan ni Blancad sa nasabing lugar at nagpakilalang alagad ng batas sa tatlong suspek kasabay ng pakiusap na sumuko na, subalit sa halip ay naunang nagpaputok ng baril kaya naganap ang insidente.
Nabawi ng mga pulis ang dalawang kalabaw at nai-sauli na rin sa magsasakang may-ari habang ang tatlong bangkay ay kinuha naman ng kanilang kamag-anak at dinala sa lalawigan ng Kalinga. (Ulat ni Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest