20-katao timbog sa jueteng

SANTIAGO CITY, Isabela – Aabot sa dalawampung sibilyan ang kumpirmadong nadakma ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon laban sa jueteng sa Barangay Mabini sa lungsod na ito kamakalawa. Kabilang sa mga dinakip ay kinilala ni P/C Archibald Afan, Chief ng CIDG- Santiago City na sina Eduardo Santos; Mario De Vera; Ricky Reyes; Ricardo Bautista; Erwin Marquez; Clarence Cruzat; Lord Erickson Velasco; Lucio Braza; Ronald Marquez; Michael Dela Cruz; Kevin Agno; Carlo Guevarra; Beny Lagara; Rolando Pasamba; Gay Ilagan; Wilson Osabel; Noel Abarques; Rodel Victocio at Mark Lopez na pawang residente ng bayan ng Tiaong, Lutacan at Candelaria sa Quezon at Batangas. Ayon sa ulat, siyam na beses binobola ang jueteng sa nabanggit na barangay na pinaniniwalaang protektado ng ilang tiwaling kagawad ng pulisya at opisyal ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments