Misis binaril ni mister, grabe
April 3, 2005 | 12:00am
QUEZON Isang 43-anyos na misis ang iniulat na nasa kritikal na kondisyon makaraang barilin sa ulo ng sariling mister na senglot na nairita sa kasesermon ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Paterno Street corner Gomez St. na sakop ng Barangay Poblacion 39, Infanta, Quezon. Inoobserbahan sa hindi tinukoy na ospital sa Maynila ang biktimang si Marilyn Samonte matapos paputukan ng suspek na si Jack Samonte Jr., 48, na agad namang nadakma. Sa imbestigasyon ng pulisya, dumating sa sariling bahay ang suspek na lango sa alak at sinalubong ng biktimang nagsisigaw sa galit. Dahil sa senglot ay nagalit ang suspek at pinaputukan ang misis para tumigil sa katatalak. (Ulat ni Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 24, 2024 - 12:00am