Mga negosyante sa SBMA umaatras dahil kay Calimlim
April 1, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Binatikos ni Zambales Governor Vicente "Vic" Magsaysay si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Alfredo C. Antonio kaugnay sa patuloy na pagkibit-balikat nito sa usapin sa kontrobersyal na pagtigil sa pag-isyu ng permit at rehistrasyon sa mga locator at importers na nakabase dito.
Sa meeting ng Central Luzon Investment Coordinating Council (CLICC), kinuwestiyon ng gobernador ang lumalalang problema ng mga rehistradong importers tungkol sa suspindidong makakuha ng permit para sa pag-angkat ng kalakal mula sa ibang bansa.
Napag-alaman na may kapangyarihan ang SBMA na magsuspinde at pumayag na makakuha ng permit ang mga locator at importers at hindi ang Anti-Smuggling Task Force ni Gen. Jose Calimlim ang siyang pumipigil sa pag-isyu ng permit.
Ipinaliwanag naman ni Antonio kay Magsaysay na ang smuggling ay nasa ilalim ng espesyal na proyekto at kasalukuyang pinanghahawakan ng Anti-Smuggling Task Force sa pangunguna ni (ret.) Gen. Calimlim at sinabing ang pag-angat ng ekonomiya ng Subic Bay Freeport ang siyang tanging responsibilidad nila ni Chairman Francisco Licuanan at itinangging ang anti-smuggling ay hindi nila sakop.
"If the idea is to attract more investors to set up shop in Subic, then the SBMA, by making it more difficult for people to do business here, is heading in the wrong direction. But if the idea is to weaken Subic and make it ripe for privatization, then it is doing an admirable job." Pahayag pa ni Magsaysay. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended