^

Probinsiya

Pulis inireklamo ng pambubugbog at pagmumura sa IAS

-
Guimba, Nueva Ecija – Inireklamo ng isang magandang ginang sa tanggapan ng Nueva Ecija Internal Affairs Service (NEIAS) ang isang pulis na umano’y nambugbog at nagmura sa kanya sa loob ng isang videoke bar noong Marso 17, 2005

Batay sa report ni Sr. Insp. Mario Cabigting, Provincial Director Administering Officer ng NE Police Provincial Officer kay Sr. Supt. Alex Monteagudo, NE, PNP Director, ipinagharap ng reklamo ni Rowena Aromin, 28 ng Brgy. Cavite, Guimba ng naturang lalawigan si SPO1 Rolando Santiago, miyembro ng Guimba Police Station.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi nang magtungo sa Gina’s Videoke Bar si Aromin upang alukin ng kanyang paninda ang kanyang kaibigan na may-ari ng nasabing establisimyento.

Kasalukuyang nag-uusap si Aromin at kaibigan na si Maryjane Aveles nang biglang dumating ang dalawang pulis kung saan ang isa dito ay nakilalang si SPO4 Marcelo Olvina.

Kumakanta si Olvina nang dumating naman si Santiago na may kasamang isa pang pulis. Bunga nito, sinita ni Olvina si Santiago kung bakit nagtungo sa bar samantalang walang pulis na naiwan sa istasyon.

Minabuti na lamang ni Olvina na bumalik sa nasabing police station kung saan naiwan naman si Santiago at umorder ng beer at pulutan kasabay ng pagkanta.

Dito umano napansin ni Santiago si Aromin kung kaya’t hinatak niya ito at sinabihan ng "sexy"

Sa kabila ng kanyang pakiusap, hindi pa rin siya binitiwan ni Santiago at sa halip ay minura pa siya nito at hinila ang kanyang upuan na naging sanhi ng kanyang pagkakasadlak.

Dinuru-duro pa siya nito kasabay ng pahayag na walang akong paki-alam sa iyo kahit anak ka pa ng heneral.

Nabatid na hindi rin binayaran ni Santiago ang kanyang mga nainom na beer at sigarilyo. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALEX MONTEAGUDO

AROMIN

CHRISTIAN RYAN STA

GUIMBA

GUIMBA POLICE STATION

MARCELO OLVINA

MARIO CABIGTING

MARYJANE AVELES

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA INTERNAL AFFAIRS SERVICE

OLVINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with