Konsehal binoga sa mukha
March 23, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang konsehal ng Antipolo, City makaraang mabaril sa mukha ng isa sa kasapi ng "Akyat-bahay" gang na nanloob sa kanyang opisina sa Barangay Sta. Cruz ng nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.
Ginagamot sa Manila East Hospital ang biktimang si Councilor Marino Bacani na binaril sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-una ng madaling-araw nang pasukin ng mga hindi kilalang lalaki ang opisina ng biktima sa Villa Virginia Resort sa Taktak Road na sakop ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City. Nagkataon namang gising pa ang biktima at kinukumpuni ang computer nang maramdamang may pumasok at nakiramdam.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong nakapanlaban sa mga mandurugas, subalit isa sa mga ito ang bumaril sa mukha ni Bacani.
Nakalabas pa ng kuwarto ang biktima at nakahingi ng tulong sa kanyang kasambahay na siya namang nagdala dito sa pagamutan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng kalibre .38 baril at sombrero na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isa sa magnanakaw.
Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya kung may iba pang motibo ang mga suspek maliban sa mga pagnanakaw. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest