P.3-M nadugas sa Kano
March 22, 2005 | 12:00am
BAGABAG, Nueva Vizcaya Aabot sa P.3 milyong ari-arian at salapi ang natangay sa isang dayuhang administrador ng Summer Institute of Linguistics (SIL) makaraang pasukin ng grupong "Akyat-bahay" ang tinitirhan ng biktima sa Barangay Villa Coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Huwebes, Marso 17, 2005. Sa naantalang ulat ng pulisya, ganap na alas-onse ng gabi noong Huwebes nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Bryan Newton, 34, administrator ng Summer Institute of Linguistics (SIL). Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alamang winasak ang pangunahing pintuan ng bahay ni Newton kung kayat nailabas ang dalawang piraso ng laptop computer, 2 piraso ng cellphone, 3 kahon ng mga sari-saring kagamitan, DVD player, satellite remote, digital camera, electric drill at 1 piraso na walkman. (Ulat ni Victor Martin)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended