Ika-8 lider ng Anak-pawis nilikida
March 19, 2005 | 12:00am
ANGELES CITY Isa na namang lider ng militanteng grupong Anakpawis sa Central Luzon ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagpapahinga sa beranda ng kanyang bahay sa L & D Subdivision, Villa Dolores, Angeles, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na ika-walong lider ng militanteng grupong napapatay ay nakilalang si Victor Concepcion, 68, senior officer ng Anakpawis na nakabase sa Pampanga at secretary general ng Aguman Deng Maglalautang Capampangan sa ilalim ng kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
Sa ulat, si Concepcion ay kasalukuyang nagpapahinga sa beranda ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki dakong alas-7 ng gabi.
Si Concepcion ay ika-8 sa lider ng militanteng grupo na napatay sa loob lamang ng buwan ng Marso at ika-18 na simula noong Enero 2005.
Magugunitang binaril at napatay ang lokal na lider ng Anakpawis na si Tarlac Councilor Abelardo Ladera noong Marso 3, 2005 sa Barangay Paraiso at nasundan naman ni Danilo Macapagal na dinukot sa Cabanatuan City na pinaniniwalaang patay na.
Noong Marso 9 ay binaril at napatay din si Romeo Sanchez, Bayan Muna regional coordinator sa Baguio City; Marso 10, 2005 nang paslangin din sa bayan ng Labo si Ernesto Bang, Anakpawis information officer sa Camarines Norte, habang si Rev. Fr. Willian Tadena ng Iglesia Filipina independiente at lider ng Bayan Muna ay pinagbabaril hanggang sa mapatay habang nagmimisa sa La Paz, Tarlac.
Nasundan naman ni Fidelino Dacut, coordinator ng Bayan Muna Eastern Visayas na pinaslang sa Tacloban City. Noong Marso 16, 2005. Itinumba naman si Joel Reyes, Anakpawis organizer sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Sa kasalukuyan ay wala pang nareresolba ang mga tauhan ng pulisya sa walong krimen naganap sa mga nasabing lugar. (Ulat nina Resty Salvador at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended