Reporter natangayan ng P.4M
March 16, 2005 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Dalawang kalalakihan na pawang kasapi ng Ginto-Ginto Gang ang inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) makaraang biktimahin ang isang batikang reporter kamakalawa sa harapan ng Library Museum Capitol Compound, Balanga City, Bataan.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Miguel Baluyot y Navata ng Sitio Tabon, Barangay Del Rosario, Pilar at Danilo de Guzman ng Barangay Pagalanggang Dinalupihan, Bataan.
Samantalang nakilala naman ang biktimang si Mario T. Supnad, correspondent ng Manila Bulletin at residente ng Villa Catalina Subdivision, Barangay Tenejero, Balanga City.
Ayon sa ulat, ang biktima ay natangayan ng P.4 milyon kapalit nang inalok na ginto, ngunit hindi naman naibigay hanggang sa isagawa ang entrapment operation sa pangunguna nina SPO1 Reynaldo Gonzales at SPO1 Armando Bernardo. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest