Abogado ng Bayan Muna itinumba
March 16, 2005 | 12:00am
TACLOBAN CITY Isa na namang coordinator at abogado ng Bayan Muna party-list ang binaril at napatay ng dalawang maskaradong lalaki habang ang biktima ay pasakay ng pampasaherong multi-cab sa panulukan ng Real at Arellano Street sa Tacloban City, Leyte noong Lunes ng gabi, Marso 14, 2005.
Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa likurang bahagi ng katawan ay nakilalang si Atty. Fedelito Dacut
Si Atty. Dacut na kasalukuyang Bayan Muna regional coordinator at legal officer ay idineklarang patay sa pinagdalhang Bethany Hospital matapos upakan ng dalawang naka-bonnet at nakasuot na puting t-shirt lulan ng motorsiklo nang tumakas.
Kinondena naman ni Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo ang naganap na pamamaslang kay Atty. Dacut at itinuro kaagad ang militar na isa sa pangunahing suspek.
Umapela rin si Ocampo sa Arroyo administration at Congress na mamagitan at gumawa ng kaukulang hakbang tungkol sa lumalalang sitwasyon dahil simula pa noong 2001 ay puntirya ng summary execution ang ilang Bayan Muna regional coordinator sa Eastern Visayas.
Sa talaan ng pulisya, unang pinaslang si Samuel Bandilla, Eastern Visayas regional coordinator ng Anakpawis Party-list noong Oktubre 15, 2004 at ikalawa na ang biktimang regional coordinator na itinumba.
Kaugnay nito, bumuo na ng Task Force Dacut si P/Chief Supt. Dionisio Coloma Jr. sa pamumuno ni P/Sr. Supt. Conrado Calvario; kasama sina Supt. Arnulfo Cruz, police chief ng PNP Tacloban City; Supt. Rogelio Montejo, Leyte provincial director. (Ulat nina Mirriam garcia Desacada at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am