Mag-asawang Muslim, na-ospital sa cassava
March 13, 2005 | 12:00am
Cotabato City Makaraang magpakita ng palatandaan ng pagkalason at panghihina, isinugod sa isang ospital ang mag-asawang Muslim na sinasabing nakakain ng nilagang kamoteng kahoy.
Ayon sa mga doktor ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) kumpirmadong nalason ang mag-asawang Fatima at Nasrudin Salem at kasalukuyang inoobserbahan.
Batay sa pahayag ng mga biktima, galing sa kanilang kapitbahay ang cassava at kanilang nilaga. Subalit matapos ang ilang minutong pagkain nito ay nakaramdam na sila ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka.
Bunga nito, agad namang inutos ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema sa city health office na siyasatin ang pagkalason ng mag-asawang Salem kasabay ng pangakong sasagutin niya ang hospital bill ng mga ito.
Ito ang kauna-unahang insidente ng pagkalason sa nasabing lungsod. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest