^

Probinsiya

Nobya tinodas, nobyo nag-suicide

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang naburyong ang isang binata matapos na paslangin muna ang kanyang nakipagkalas na nobya at ikinasawi rin ng kaibigan ng dalaga bago ito nag-suicide sa Davao City, kamakalawa.

Batay sa ulat, ang bangkay ng suspek sa pamamaslang na si Mario "Mayo" Balen, ay natagpuang nakabitin sa punong kahoy sa Brgy. Tayapoc, Peñaplata District, Samal ng lungsod na ito.

Ang pagpapatiwakal ni Balen ay nadiskubre ilang oras matapos nitong pagbabarilin at mapatay sa inuupahang boarding house ang kanyang nobya na si Ma. Cristina Ligal, 23, ng Mangagoy, Bislig City sa Surigao del Sur at nadamay naman sa insidente ang matalik na kaibigan ng dalaga na si Rowena Roda, 23, ng Cotabato City.

Nabatid, na bandang alas-12:10 ng tanghali nang pasukin ni Balen sa boarding house ang kanyang girlfriend sa Jamero Compound sa 478 Alley, Malvar St., Davao City.

Kasalukuyang nagre-review ang dalawang magkaibigan para sa nalalapit na nursing board examination nang pagbabarilin ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek, subali’t nasaksihan ng ilang boarders at ng caretaker ng boarding house ang naganap na krimen.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon, na si Ligal na nakatakda nang magtungo sa ibang bansa ay nagdesisyong makipagkalas sa kanyang nobyo dahilan sa sobrang pagkaseloso nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BALEN

BATAY

BISLIG CITY

COTABATO CITY

CRISTINA LIGAL

DAVAO CITY

JAMERO COMPOUND

JOY CANTOS

MALVAR ST.

ROWENA RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with