Holdaper na pumatay ng coed, natimbog
March 6, 2005 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Nadakip na ng mga tauhan ng pulisya ang isa sa apat na holdaper na bumaril at nakapatay sa isang 22-anyos na kolehiyala noong Huwebes ng gabi sa Cainta sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Dolores ng bayang ito.
Kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Guiller Baul, 22, ng Creekside Melendres Subdivision ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat, si Baul ay nadakma dakong alas-11:45 ng gabi matapos ang buy-bust operation at makumpiskahan ng tatlong sachet ng shabu. Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang suspek ay responsable sa panghoholdap at pagpatay sa biktimang si Shiela Buenafe habang sakay ng Tamaraw. Inamin naman ng suspek na isa siya sa apat na holdaper ng Tamaraw FX noong Huwebes ng gabi sa harap ng Valley Golf Subd. Sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal, subalit itinanggi nito na siya ang bumaril sa coed.
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang mga tauhan ng pulisya sa tatlong kasamahan ni Baul na sina: Bernardo Barameda, Danilo Magana at isang alyas Jun. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest