40 litrato ng wanted ipinakalat
February 5, 2005 | 12:00am
Inilabas na kahapon ng Rizal Provincial Office (RPPO) ang 40 litrato ng mga most wanted na kriminal upang mapadali na malambat at mabigyan ng babala ang publiko.
Ayon kay Rizal Provincial Director Sr. Supt. Leocadio Santiago, pinulong niya kahapon ang 14 na chief of police ng Rizal at binigyan ng tig-200 na kopya ng mga inimprentang poster ng mga wanted na kriminal.
Ang mga nasabing litrato ay ikakalat sa buong lalawigan ng Rizal, partikular na sa mga shopping malls, palengke, eskuwelahan, mga bus at jeepney terminals.
Hinihikayat din ni Santiago ang publiko na sakaling makakita sila ng isa sa mga ito ay agad na ireport sa pinakamalapit na pulisya para sa agarang pag-aresto ng mga ito.
Kabilang sa 40 litrato ay may mga kasong murder, robbery snatching, at mga bank robbers na nag-o-operate sa Rizal at karatig lugar.
Ang pagpapakalat ng mga posters ay sinagot ng Rotary Club of Rizal, Rizal Free Masons at Rizal Chambers of Commerce. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest