Guro tinadtad ng taga

Sta. Rosa, Laguna Isang 67 anyos na guro na ina ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasawi matapos pagtatagain ng mga magnanakaw na nanloob sa kanyang tahanan sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Rosita Saul sa loob ng kanyang bahay sa Cataquis Subdivision, Brgy. 3 Market area ng nabanggit na munisipalidad.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-9:30 ng gabi noong Biyernes ng pasukin ng tatlong magnanakaw ang tahanan ng matanda upang pagnakawan subalit naaktuhan ang mga ito ng biktima kaya pinagtataga Nasakote naman sa follow-up operations ang mga suspek na sina Jesus Mercado, 18, Bernard Cariño, 30; at Sammy Cariño, 36; pawang mga kapitbahay ng biktima na ipinagsakdal na ng kaukulang kasong kriminal. (Ulat nina Arnell Ozaeta / Doris Franche)

Show comments