"Isa itong malaking dagok sa mga JI na nagtutungo sa Mindanao, hindi namin sila tatantanan," mariing babala pa ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Alberto Braganza.
Sa kabuuang 40 nasawing rebelde sa "air strike operations" ay dalawa rito ang JI terrorist na pawang Indonesian national habang ang iba pa ay mula naman sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades at Abu Sayyaf Group (ASG).
Nabatid na may 20 fighters ng Abu Sayyaf ang ngayoy kasama ng mahigit pang 200 MILF renegades at ng kanilang kinakanlong na JI terrorist sa Central Mindanao.
Sinasabing matagal ng may namamagitang alyansa sa grupo ng mga rebeldeng MILF at ng mga JI terrorist na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa bansa bagaman patuloy itong itinatanggi ng naturang separatistang rebeldeng grupo. Kaugnay nito, tiwala naman si Braganza na di ito makakaapekto sa peace talks sa pagitan ng MILF at GRP peace panels. (Ulat ni Joy Cantos)