Trak hulog sa bangin: 2 patay
January 16, 2005 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyan nilang trak noong Biyernes ng tanghali sa bahaging sakop ng KM 35 sa bayan ng Atok, Benguet. Kabilang sa nasabing biktima ay sina: Pablito Sebio at Rene Gioken na kauna-unahang nasawi nitong taon sa kahabaan ng Baguio-Bontoc Road na tinawag na Halsema Highway.
Base sa ulat ni Civil Defense Cordillera chief Vicente Tomazar, patungo sa hilagang bahagi ng Benguet ang Isuzu Elf truck na lulan ang mga biktima nang bumulusok sa 900-metrong lalim na bangin. Nasugatan naman ang dalawang pasaherong sina: Crispino Mukati at Bernard Tuali na ngayon ay ginagamot sa Benguet General Hospital at Atok District Hospital. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest