Mag-asawa dedo sa road mishap

CABANATUAN CITY — Maagang sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang nakasakay ng motorsiklo makaraang salpukin ng kasalubong na pampasaherong dyipni sa kahabaan ng Nueva Ecija-Aurora Road sa Barangay Norte kamakalawa ng umaga. Naisugod pa sa Dr. Paulino J. Garcia ang mag-asawang Ernesto Durian, 37 at Maria Theresa, 36 ng Barangay San Isidro, Cabanatuan City.

Bandang alas-5:30 ng umaga nang makasalubong ng motorsiklo ang dyipni (CWW-694) na minamaneho ni Ferdinand Barlis ng Barangay Patalac. Inihatid pa ni Barlis sa nasabing ospital ang mag-asawa bago tumakas. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments