Bahay inararo ng bus: 7 patay
January 9, 2005 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Aabot sa pitong sibilyan ang iniulat na nasawi habang limamput apat naman ang nasugatan makaraang araruhin ng pampasaherong mini-bus ang isang bahay sa gilid ng Gipos Highway na sakop ng Barangay Guilinan, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Isah Abdullah, PIO ng PRO 9, dalawa sa pitong namatay ay binawian ng buhay habang ginagamot sa hindi nabatid na ospital sa Pagadian City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na isinumite kay P/C Supt. Karib Muamil, provincial director, bandang alas-2:15 ng hapon noong Biyernes ng maganap ang insidente habang ang bus ay patungong bayan ng Pitogo.
Ayon pa sa ulat, bumabagtas ang nasabing mini bus pababa ng highway, subalit biglang nawalan ng preno kaya ilang kasalubong na sasakyan ay sinagian nito.
Nawalan ng kontrol ang mini bus saka inararo ang isang bahay na naging sanhi ng malagim na trahedya. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest