^

Probinsiya

Magsasaka pinatay sa harap ng pamilya

-
NUEVA ECIJA – Isang ama ng tahanan ang hindi na umabot pa sa araw ng 2005, matapos na barilin ng isa sa tatlong mga suspek habang ito ay nanonood ng telebisyon kasama ang asawa’t limang anak sa Brgy. San Gregorio, Rizal, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Paciano Victorio Jr., 32, magsasaka.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-7:30 ng gabi, habang nanonood ng programang "Extra Challenge" sa GMA-7 ang biktima kasama ang kanyang pamilya ay bigla na lamang umanong pumasok ang mga suspek.

Puwersahan umanong sinira ng mga hindi nakikilalang lalaki ang pintuan ng bahay ng pamilya Victorio at nang makapasok ay isa sa tatlong lalaki ang bumunot ng baril at binaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima sa harap ng kanyang pamilya.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Wala pang natutukoy na dahilan ang pulisya sa naganap na krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BRGY

CHRISTIAN RYAN STA

EXTRA CHALLENGE

ISANG

KINILALA

NUEVA ECIJA

PACIANO VICTORIO JR.

PUWERSAHAN

RIZAL

SAN GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with