^

Probinsiya

887 pirasong Narra nasabat

-
SUBIC, Zambales – Aabot sa 887 pirasong tinabas na Narra na pinaniniwalaang bahagi ng ilegal na troso sa bulubunduking bahagi ng Sitio Agusuhin ng naturang bayan ang nasabat ng mga operatiba ng 3rd Regional Maritime Office (3rd-RMO) sa baybaying-dagat ng Barangay Calapacuan, Subic, Zambales, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni 3rd-Regional Maritime Police Office Director P/Supt. Marco Abian, may halagang P30,000 ang nasabing punongkahoy at ang iba ay tinistis upang madaling hakutin at maipuslit.

Sa impormasyong natanggap ng mga awtoridad mula sa mga nagmamalasakit na residente ng Barangay Calapacuan namataan ang mga hindi kilalang kalalakihan na may bitbit na pinutol na punongkahoy sa nabanggit na barangay.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng maritime police sa pangunguna ni PO3 Freddie Banaga ay nagpulasan ang mga suspek patungo sa iba’t ibang direksyon matapos mamataan ang mga paparating na awtoridad.

Ang nakumpiskang mga putol na punongkahoy ay nakatakdang dalhin sana sa bahay nina Rene Desio, 29; at Ismael Velasquez, 27, na kapwa residente ng Purok 6, Barangay Calapacuan.

Pinaniniwalaang pawang mga illegal loggers ang dalawa at ang bundok na bahagi ng Sitio Agusuhin ang lugar ng kanilang modus operandi sa ilegal na pagtotroso.

Ang mga pinutol na punongkahoy ay pormal na itinurn-over ng 3rd-RMO sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), samantalang pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang nabanggit na illegal loggers upang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY CALAPACUAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FREDDIE BANAGA

ISMAEL VELASQUEZ

JEFF TOMBADO

MARCO ABIAN

REGIONAL MARITIME OFFICE

REGIONAL MARITIME POLICE OFFICE DIRECTOR P

SITIO AGUSUHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with