Isa pang lider ng Sayyaf nadakma
October 24, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa na namang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) na itinuturing na sangkot sa Dos Palmas kidnapping noong Abril 2001 at may patong sa ulo na P.2-milyon ang bumagsak sa kamay ng pulisya at military sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City kamakalawa.
Sumasailalim sa tactical interrogation ang isa sa sampung most wanted na bandidong si Galib Daman alyas Mamang Asama/Mario Abubakar/Abu Sabbas, 23, ng Lamitan, Basilan.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bucoy ng Basilan Regional Trial Court, dinakip ang suspek sa pinagkukutaan nito sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, ang pagkakadakip kay Daman ay matapos na magpalabas ng babala ang pamahalaang Australia na may panibagong pag-atake ang gagawin ng grupong terorista sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest