^

Probinsiya

Militant leader todas sa ambush, 1 pa grabe

-
TACLOBAN CITY – Napaslang ang isang lider ng mga militanteng grupo samantalang malubha namang nasugatan ang isang inhinyero makaraang tambangan ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Sammuel Bandilla, may-asawa, 45-anyos at residente ng Tacloban City, Regional Coordinator ng Anak Pawis at ng Regional Chapter ng Kilusang Mayo Uno at ang nasugatan ay si Engineer Bernardo Devaras, may-asawa, 42-anyos, dinismis na empleyado ng Leyte Metropolitan Water District.

Bandang alas-9 ng gabi habang ang mga biktima na kagagaling lamang sa isang picket rally at magkaangkas sa motorsiklo pauwi na sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng dalawang salarin na pawang armado ng .45 caliber pistol pagsapit sa Brgy Anibong ng lungsod na ito.

Nabatid na kapwa tinutuligsa ng dalawang biktima na tagapagsalita sa nasabing rally ang katiwalian at hindi makataong pagtatanggal ng mga empleyado ng nasabing sangay ng Metropolitan Water District sa lalawigan.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na may kinalaman sa ibinulgar na kontrobersiya ng mga biktima ang pananambang sa mga ito.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin. (Ulat ni Miriam Desacada)

vuukle comment

ANAK PAWIS

BRGY ANIBONG

ENGINEER BERNARDO DEVARAS

KILUSANG MAYO UNO

LEYTE METROPOLITAN WATER DISTRICT

METROPOLITAN WATER DISTRICT

MIRIAM DESACADA

REGIONAL CHAPTER

REGIONAL COORDINATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with