^

Probinsiya

2 pulis 'protektor' ng mga makina ng video karera sa Pangasinan

-
Dalawang kagawad ng pulisya ang pinaniniwalaang nagsisilbing protektor ng mga makinang video karera sa limang bayan at isang lungsod sa Pangasinan na ang karamihang nabibiktima ay pawang mga mag-aral sa elementarya at high school.

Ito ang nakalap na impormasyon mula sa dalawang mapagkakatiwalaang impormante, batay na rin sa hawak na papel na may mga pangalang ng operator kabilang na ang isang barangay captain sa bayan ng Dagupan.

Sa apatnaput anim na bayan at dalawang lungsod sa Pangasinan, kabilang sa binanggit ng impormante na pinagpupugaran ng mga makina ng video karera at malapit sa mga eskuwelahan ay ang bayan ng Urdaneta, Sta. Barbara, Manaoag, Bayambang, Villasis at Dagupan City.

Binanggit ng impormante ang pangalan ng mga operator ng video karera na sina: Jing Locquiao; Melvin Gayton; Sonny Gayton; Noel Melencio; Rudy Gutierrez; Boy Pader; Rogelio Remoblas; Judith Rafanan; Linda Gomez; Dindo Barrozo; Sergio Barabas at Eric Benito.

Kinilala ng impormante ang dalawang kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang nagsisilbing protector ng mga makina ng video karera na sina: SPO2 Jesus "Jess" Padua at PO3 James Sumalnat. Malaki naman ang paniniwala ng impormante na may basbas ng mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang pamamalagi ng mga makina ng video karera sa naturang bayan. (Ulat ni Mario D. Basco)

vuukle comment

BOY PADER

DAGUPAN CITY

DINDO BARROZO

ERIC BENITO

JAMES SUMALNAT

JING LOCQUIAO

JUDITH RAFANAN

LINDA GOMEZ

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with