Pamilya minasaker, 4 patay; 1 nakaligtas
October 3, 2004 | 12:00am
LIGAO CITY, ALBAY Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng apat na miyembro ng isang pamilya habang isang 3 anyos na batang lalaki ang nakaligtas matapos pagtatagain ng di nakilalang mga salarin sa naganap na massacre sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1, Brgy. Cabarian ng lungsod na ito kamakalawa ng hatinggabi.
Tadtad ng mga taga sa mukha, leeg at katawan ang bangkay ng maglive-in partner na sina Estimson Luminario, 50; at Maritess Cedeno, 23; gayundin ang kanilang mga anak na babaeng sina Abegail Cedeno, 6 at Rose Luminario, 5 taong gulang.
Nagawa namang makaligtas sa insidente si Loreto Cedeno, 3-anyos, pangunahing saksi sa krimen matapos na magtago sa silong ng kanilang bahay.
Batay sa report ni Albay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Guillermo Paguio, naganap ang malagim na krimen dakong alas-12 ng hatinggabi habang ang buong pamilya ay mahimbing na natutulog nang puwersahang pasukin ng mga salarin na pawang armado ng matatalim na itak.
Nabatid na nagawa pang manlaban ni Estimson subalit pinagtulungan itong pagtatagain ng mga salarin at bagaman nagawang makalabas ng bahay ng kanyang mag-iina ay inabutan ang mga ito ng mga suspek.
Bago naganap ang krimen ay apat na kalalakihang naka-bonnet ang namataang umaaligid sa tahanan ng pamilya. Hinihinala namang isa sa mga salarin ay asawa ni Maritess na hiniwalayan nito matapos na makipag-live-in kay Estimson habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest