^

Probinsiya

2 katao kakasuhan sa pagpapakalat ng maling balita

-
GAPAN CITY, Nueva Ecija – Dahil sa nagawang pambubulabog sa taumbayan at mga awtoridad tungkol sa balitang may mga batang dinudukot at pagkatapos ay tinatanggalan ng laman-loob at siyang ibinebenta sa mga mayayaman ay humingi ng paumanhin ang dalawang ‘source’ ng naturang ulat at sinabing hindi ito kumpirmado at ’hearsay’ lamang.

Binawi nina Aniceto Fabito, 40, isang treasurer hunter ng Barangay San Nicolas, Gapan City at Christopher Javate, officer-in-charge ng J. Victoria Montessori School sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija ang nauna nilang pahayag sa reporter ng Manila Standard na si Christine Herrera.

Ayon sa dalawa, humihingi sila ng sorry at pang-unawa hindi lamang kay Ms. Herrera, kundi maging sa mga kababayan nila at sa kapulisan. Idinagdag pa nila na kaya biglang kumalat ang ganung balita ay dahil sa gusto lamang nilang sabihan o balaan ang mga tao sa nasabing sindikatong gumagala na dumudukot ng mga bata.

Nabatid na nakuha umano ni Fabito ang naturang impormasyon sa isang text message na kanyang natanggap, habang si Javate naman ay narinig umano niya ang kanyang mga kasamahang guro ang tungkol sa balitang iyon.

Kasabay nito, sinabi ni Aglipay na sasampahan ng kaso ng pulisya ang dalawa na nagpakalat ng balita na umalarma hindi lamang sa taong bayan kundi maging sa PNP at Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Aglipay, mahaharap ngayon sa kasong kriminal ang dalawa dahil sa perwisyong idinulot nito sa mamamayan ng Nueva Ecija kahit humingi pa ito ng public apology. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAY

ANICETO FABITO

AYON

BARANGAY SAN NICOLAS

CHRISTIAN RYAN STA

CHRISTINE HERRERA

CHRISTOPHER JAVATE

GAPAN CITY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with