Kidnaper ng nene nasakote

CABANATUAN CITY — Matapos ang sangtaong pagtatago sa batas ng isang 45-anyos na kidnaper ng 15-anyos na nene na kanyang nabuntis makaraang madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa sa Purok 4, Barangay Sumacab Norte, Cabanatuan City.

Walang piyansang inirekomenda si Judge Evelyn Dimaculangan Querijero ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 26 laban kay Juanito Longalong matapos na dukutin ang anak ng kanyang live-in partner noong Marso 6, 2003 sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments