Mamumugot na Sayyaf nasakote
September 17, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong taon ang lumipas bago nadakip ang isang kasapi ng grupong Abu Sayyaf na pumugot sa 11 magsasaka sa Basilan makaraang makorner ang una ng mga kagawad ng pulisya sa liblib na bahagi ng Tipo-Tipo malapit sa bayan ng Lamitan, ayon sa ulat kahapon.
Kasalukuyang nakapiit sa Basilan Provincial Police sa Isabela, Basilan ang suspek na si Domingo "Gol" Ramos, 67, tauhan ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffi Janjalani.
Base sa record ng pulisya, si Ramos ay may nakabinbing 11 warrant of arrests sa kasong 11 counts ng murder sa Sitio Balobo, Lamitan, Basilan.
Karamihan sa mga naging biktima ni Ramos ay pawang magsasaka at kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Sinabi ni P/Supt. Bensali Jabarani, Basilan provincial commander, ang suspek ay may kinaharap din tatlong counts ng kidnapping at 1 count ng rape may tatlong taon na ang nakalilipas. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended