^

Probinsiya

Carnap, drug leader tinodas

-
CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang karnap, drug leader ng nag-iisang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng grupong vigilante habang ang biktima ay naglalakad sa madilim na bahagi ng Sitio Tulao, Barangay Calsadang Bago II, Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ryan Obispo, 24, ng Barangay Malagasang 1-A ng nasabing bayan.

Napag-alaman pa sa ulat, na si Obispo na may nakabimbing warrant of arrest ay lider ng kilabot na sindikatong "Epot Gang" at lumilinya na rin sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga sa buong Cavite at karatig pook.

Nabatid na ang nasabing grupo ay nasa talaan ng pulisya bilang organized crime group na sangkot sa serye ng karnaping sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Obispo ay pinagbabaril dakong alas-5 ng hapon ng hindi kilalang lalaki na may takip ng panyo sa mukha.

Matapos na isagawa ang pamamaslang ay palakad na lumayo ang killer sa pinangyarihan ng krimen na animo’y walang nangyari.

Iniwang nakabulagta ang biktima sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay.

May paniniwala rin ang pulisya na itinumba si Obispo ng isa sa kanyang kasamahan dahil sa onsehan sa partihan. (Ulat nina Cristina G. Timbang At Rene M. Alviar)

ALVIAR

BARANGAY CALSADANG BAGO

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

CRISTINA G

EPOT GANG

INIWANG

RYAN OBISPO

SITIO TULAO

TIMBANG AT RENE M

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with