Nene hinalay, pinatay

CAVITE — Isang 7-anyos na batang babae na pinaniniwalaang hinalay at pinatay ng mga adik ang natagpuang nakalutang sa baybaying-dagat na sakop ng Barangay Balsahan, Kawit, Cavite kahapon. Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng biktima na ngayon ay nasa Cenizal Funeral Homes. May teorya naman ang pulisya na pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments