^

Probinsiya

2 suspeka sa Davao masaker., tiklo

-
CAMP CRAME – Bumagsak sa mga elemento ng pulisya ang magkapatid na pangunahing suspek sa pagmasaker sa 4 na miyembro ng isang pamilya sa Davao City habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon sa isinagawang operasyon sa General Santos City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Kimkim at Jhong Jhong Balanay; pawang menor-de-edad at umano’y kamag-anak pa ng mga biktima.

Ang mga ito ay nasundan ng mga elemento ng Davao City Police sa tulong ng ilang tipster mahigit isang araw matapos maganap ang krimen noong Biyernes ng gabi sa bahay ng mga biktima sa kalye Cariñosa, Lanzona Subdivision, Matina District, Davao City.

Narekober mula sa pag-iingat ng mga suspek ang pera at mga ATM cards na pag-aari ng mga biktima.

Ang mga suspek ay iniharap ng pulisya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang press briefing kahapon.

Ang mga suspek na itinuro ng survivor at testigong si Angeline Cabrera na siyang pumalo ng tubo hanggang sa mapatay ang mga biktimang sina Diosdado Lacorte, asawa niyang si Belinda at anak na si Kenneth. Natagpuan din sa bahay ang bangkay ni Julius Villarmea na pinaniniwalaang kaanak ng pamilya.

Samantala, agaw-buhay sa Davao Doctors Hospital sina Grace Hashiyugutzi, ang asawa niyang Hapones na si Tomutso at Ma. Carla Beatriz Villarmea.

Sinabi ng mga imbestigador na namatay sa palo ng tubong bakal ang mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumitaw na nag-ugat ang pamamaslang sa away ng magkakamag-anak. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELINE CABRERA

CAMP CRAME

CARLA BEATRIZ VILLARMEA

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO CITY POLICE

DAVAO DOCTORS HOSPITAL

DIOSDADO LACORTE

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with