^

Probinsiya

4 minasaker ng mga adik

-
CAMP CRAME — Malagim na trahedya ang sinapit ng apat na katao matapos na pagtulungang patayin ng mga hindi kilalang kalalakihang pinaniniwalaang adik sa droga na pumasok sa bahay ng mga biktima na nagresulta rin sa pagkasugat ng malubha ng tatlong iba pa sa Davao City kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa brutal na pinatay sa palo at saksak ng patalim ay nakilalang sina: Diosdado Lacorte, asawang si Evelyn, apong si Kenneth, 10, at pamangking si Julius Vilnarlia.

Ginagamot naman sa Davao Doctors Hospital ang nasa kritikal na kondisyong sina: Grace Lacorte, asawang Hapones na si Tamato Haseguchi at kamag-anak na si Carmela Villarim.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek na pinaniniwalaang lango sa droga habang nagsasagawa ng operasyon para mapadali ang pagdakip.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na isinumite ni P/Supt. Conrado Lasa, kumander ng Davao City police station, naitala ang insidente bandang ala-una ng madaling-araw sa bahay ng mga biktima sa Carinosa Street, Lasona Subdivision, Davao City.

Base sa ulat, sinamantala ng mga suspek ang mahimbing na pagkakatulog ng mga biktima bago isagawa ang karumal-dumal na krimen.

Napag-alaman pa sa ulat na ginamit ng mga killer ang bakal na hawak para paslangin ang mga biktima.

Hindi naman isinaisantabi na pagnanakaw ang isa sa pangunahing motibo ng krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

CAMP CRAME

CARINOSA STREET

CARMELA VILLARIM

CONRADO LASA

DAVAO CITY

DAVAO DOCTORS HOSPITAL

DIOSDADO LACORTE

GRACE LACORTE

JULIUS VILNARLIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with