2 ‘pokpok’ naaktuhan sa sementeryo

CAVITE — Dalawang kababaihan na pinaniniwalaang nagbebenta ng panandaliang-aliw ang iniulat na naaktuhan ng mga kagawad ng pulisya na nakikipagtalik sa kanilang kustomer sa loob ng pampublikong sementeryo na sakop ng Tagaytay City, Cavite kahapon. Kasalukuyan namang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina: Lailaine Inforton, 37, ng Area E, Dasmariñas at Loida Noveno, 31, ng Barangay Galicia I, Mendez, Cavite.

Ang pagkakadakip sa dalawang suspek ay bunsod ng impormasyong ibinigay ng mga residente sa himpilan ng pulisya na ginagawang hotel ng mga kababaihang mababa ang lipad ang nasabing lugar. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments