Sa ulat ni P/Insp. Noel Asis kay 3rd-Regional Maritime Police Office Director Senior Supt. Marco Abian, nakilala ang mga suspek na sina: Christopher Manacmol, 28, Delano Samonte, 42, Jesus Olan-Olan, 57, Ricardo Mecardos, 26 at Paquito Repil, 36 na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng umaga habang nagsasagawa nang pagpatrulya sina PO1 Richard Rodriguez at Mariel Cuizon ng PNP-Maritime sa karagatang sakop ng Sitio Sabang, Barangay Mabayo ay nakarinig sila ng malalakas na pagsabog hindi kalayuan sa kanilang lugar.
Agad naman tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar at naispatan ang mga suspek na nanghuhuli ng isda 50-metro ang layo mula sa dalampasigan ng Sitio Sabang, at nasa aktong gumagamit ng dinamita.
Tinangka pang tumakas ng mga suspek, subalit nakorner din matapos ang ilang minutong habulan.
Subalit bago tuluyang nadakip ng pulisya ang mga suspek ay mabilis na inihulog ng mga ito ang kanilang ginagamit na dinamita sa dagat na may pampabigat at ilan sa kanila ay nagtangka pang tumakas ngunit nakorner din ang mga ito.
Narekober ng mga awtoridad ang may 100-kilo ng maliliit na isda, ilang dipa ng oxygen hoses at dalawang motorized-banca na siyang ginagamit sa ilegal na pangingisda. (Ulat ni Jeff Tombado)